Booster sa edad 12-17, pwede na – DOH
MANILA, Philippines — Uumpisahan na ng Department of Health (DOH) ang pagbibigay ng COVID-19 booster shot sa adolescent age group o iyong mga batang may edad 12-17 taong gulang.
“RESBAKUNA UPDATE! Children aged 12 to 17 can now get their booster dose against COVID-19!” anunsyo ng DOH sa kanilang social media pages.
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, na ang lahat ng local government units (LGUs) o vaccination sites na handa na ay maaari nang mag-rollout ng COVID-19 booster vaccination para sa adolescent group.
“It was stated in our guidelines that all LGUs/Vaccination sites who are ready to implement — trained HCWs, with appropriate vaccines, etc. — can already implement,” mensahe pa ni Vergeire sa mga mamamahayag.
Upang makapagpaturok ng booster shot, kinakailangan lamang ng mga kabataan na magtungo sa mga vaccination sites sa kanilang lugar at dalhin ang kanilang vaccination card, dokumento na nagpapakita ng relasyon ng magulang o guardian sa bata, valid ID o mga dokumentong may larawan, at medical certificate para sa mga immunocompromised.
- Latest