^

Bansa

DOH: Kaso ng dengue ng sumirit lagpas 45K ngayong mid-2022

Philstar.com
DOH: Kaso ng dengue ng sumirit lagpas 45K ngayong mid-2022
An Aedes aegypti mosquito is seen through a microscope at the Oswaldo Cruz Foundation laboratory in Rio de Janeiro, Brazil, on August 14, 2019.
AFP / Mauro Pimentel

MANILA, Philippines — Sumipa na sa mahigit 45,000 ang naitalang kaso ng dengue sa bansa mula ika-1 ng Enero hanggang ika-11 ng Hunyo ngayong taon, ayon sa Department of Health (DOH).

Batay sa National Dengue Data na iniulat ng kagawaran, Martes, 45,416 na ang bilang ng kumpirmadong kaso nito — bagay na 45% mas mataas kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon. Nasa 31,320 lamang kasi ang kaso sa parehong time period noong 2021.

Naitala sa Central Visayas ang pinakamataas na kaso ng nasabing mosquito-borne viral disease kung saan 13% ng bilang ay nagmula sa kanilang probinsya. Sumunod naman ang Central Luzon (12%) at Zamboanga Peninsula (10%).

Ani ng Kagawaran, nasa 11,680 kaso ang naitala sa bansa mula Mayo 16 hanggang Hunyo 11 kung saan 15% dito ay mula sa Central Luzon (1,742).

Samantala, sinabi namn ng DOH na mayorya ng lugar sa bansa ay nalampasan na ang “epidemic threshold" o ang paglobo ng bilang ng tinatamaan ng nasabing infectious disease.

Kaugnay nito, pinaigting ng ahensya ang panawagan nila sa publiko na mag-ingat at gawin ang 4S: “Search” and destroy breeding places, “secure” self-protection, “seek” early consultation, at “support” spraying in hotspot areas.

Una nang nagpaalala ang Kagawaran sa publiko hinggil sa pag-iingat kontra dengue upang maiwasan ang outbreak nito lalo pa’t parating na ang tag-ulan.

"As the rainy season approaches, many diseases spread - and one of those is dengue. We are taking proactive actions in preventing outbreaks and raising awareness to curb the increase in the number of cases," ani DOH spokesperson Maria Vergeire sa isang pahayag noong Mayo.

"Rest assured that the DOH is closely monitoring every disease trend, and is well-prepared to respond to any healthcare aid any Juan or Juana may need," dadag niya. — Philstar.com intern Vivienne Audrey Angeles 

vuukle comment

DENGUE

DEPARTMENT OF HEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with