^

Bansa

Duterte sa mga Pinoy: ‘Maraming salamat sa inyo’

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Duterte sa mga Pinoy: �Maraming salamat sa inyo�
Libu-libong tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dumagsa nitong Linggo sa Quirino Grandstand sa Maynila para makiisa sa pagbibigay pugay at pasasalamat kay PRRD na idinaan sa isang thanksgiving concert.
Karl Alonzo/Presidential Photo

MANILA, Philippines — “Sa sambayanang Pilipino, maraming, maraming salamat sa inyo.”

Ito ang maiksing pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mga tagasuporta na nagdaos ng isang “farewell concert” para sa kanya, nitong Linggo ng gabi sa Quirino Grandstand sa Luneta, Maynila.

Kahit bumuhos ang ulan, hindi ito inalintana ng libu-libong nagmamahal sa Pangulo na dumagsa sa “Salamat, PRRD” event.

Nagpa-unlak pa ang Presidente na magbigay ng kanta sa mga dumalo.

Nang kaniyang pagkakataon na para magtalumpati sa concert, nagbigay ang Pangulo ng pinakamaigsing speech sa kasaysayan ng kaniyang panunungkulan.

“Maiksi lang ito. Sa sambayanang Pilipino, mara­ming, maraming salamat sa inyo,” saad ni Duterte sa mga tagasuporta saka bumalik sa kaniyang upuan katabi ng kaniyang partner na si Honeylet Avanceña.

Hindi pa dito nagtatapos ang gabi para kay Duterte nang sumabay siya sa pagkanta ng grupo ng mga doktor at medical frontliners sa awit na “Fill the World with Love”.  Pagkatapos nito, naki-duet rin siya sa singer na si Martin Nievarra sa awit na “Ikaw”, kasabay ng fireworks display.

Nagkaroon din ng drone show na mga salitang “Salamat” at “PRRD”, mukha ng Pangulo, simbolo ng kanyang kamao, at watawat ng Pilipinas.

Kasama rin ng Pangulo sa stage si Sen. Bong Go, Sen. Imee Marcos, at Senator-elect Robin Padilla.

Ayon sa mga organizers, higit sa 3,500 ang dumalo sa concert na galing sa iba’t ibang parte ng Metro Manila at mga karatig-lalawigan.

Si Pangulong Duterte ay bababa sa puwesto pagsapit ng tanghali ng Hunyo 30. — Malou Escudero

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with