^

Bansa

Gumaling mula sa COVID-19 sa Pilipinas lumagpas na ng 3 milyon

Philstar.com
Gumaling mula sa COVID-19 sa Pilipinas lumagpas na ng 3 milyon
Indviduals get inoculated with AstraZeneca vaccine in a health clinic in Bocobo, Ermita, Manila on Jan. 21, 2022 as part of the government program dubbed as "Resbakuna sa Botika".
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Umabot na sa 3.01 milyong COVID-19 recoveries sumatutal ang naitatala ng Department of Health (DOH) sa Pilipinas simula nang makapasok ang nakamamatay na sakit sa bansa noong 2020.

Ito ang pahayag ng DOH, Biyernes, kasabay ng pagtungtong ng kabuuang COVID-19 cases ng Pilipinas sa 3.35 milyon.

  • total cases (3,357,083)
  • bagong kaso (32,744)
  • total deaths (53,309)
  • kamamatay lang (156)
  • aktibong kaso (291,618)

"Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 8.7% (291,618) ang aktibong kaso, 89.7% (3,012,156) na ang gumaling, at 1.59% (53,309) ang namatay," wika ng DOH sa isang pahayag kanina.

"Samantala ay mayroon namang naitalang 16,385 na [bagong] gumaling at 156 na [bagong] pumanaw."

Nangyayari ang lahat ng ito kasabay ng pagbaba ng poryento ng mga Pinoy na ayaw magpabakuna laban sa COVID-19 sa 8%, ayon sa huling survey ng Social Weather Stations na inilabas nitong Huwebes.

Sa kabila nito, tatlong laboratoryo pa ang biglang makapagsumite ng kanilang mga datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS), bagay na bumibuo sa 0.8% ng lahat ng samples na na-test sa nakaraang 14 na araw.

Sa 32,744 bagong hawang kaso na naitala ngayong araw, nasa 31,456 dito ang sinasabing nangyari sa nakalipas na dalawang linggo. Karamihan dito ay nagmula sa:

  • National Capital Region (6,917)
  • Calabarzon (6,398)
  • Region 3 (4,122)

Samantala, tanging 66 lang sa 156 ini-report na kaso ngayong araw ang nangyari ngayong 2022. Ang natitira ay panay backlog pa noong 2021 at Disyembre 2020 dahil sa "late encoding" ng death information sa COVIDKaya.

"This issue is currently being coordinated with the Epidemiology and Surveillance Units to ensure information is up to date," dagdag pa ng DOH.

"139 duplicates were removed from the total case count. Of these, 82 are recoveries. Moreover, 108 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation."

Nangyayari ang lahat ng ito sa kabila ng pagpasok ng mas nakahahawang COVID-19 Omicron variant sa Pilipinas. — James Relativo

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with