^

Bansa

Posibleng pag-endorso ni Duterte, tatanggapin ni Yorme

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Posibleng pag-endorso ni Duterte, tatanggapin ni Yorme
“Hindi ako tatanggi. Ang pulubi, hindi nakakapamili,” ayon kay Manila Mayor Moreno nang tanungin ukol dito.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Tatanggapin ni Aksyon Demoktratiko presidential bet at Manila City Mayor Isko Moreno ang posibleng pag-endorso sa kaniya ni Pangulong Rodrigo Duterte makaraang ihayag ni Senador Bong Go ang kaniyang pag-atras sa pampanguluhang halalan sa 2022.

“Hindi ako tatanggi. Ang pulubi, hindi nakakapamili,” ayon kay Moreno nang tanungin ukol dito.

Sinabi niya na naging tapat siya sa umpisa pa lamang na kailangan niya ng tulong, mga kaalyado, mga tagasunod at volunteers para sa kaniyang kampanya.

Sa kabila nito, nilinaw ni Moreno na walang plano ang kaniyang kampo na pagpursigihan ang pagkuha sa endorso ng Pangulo.

“Kung ako ang mapupusuan nila, salamat, thank you in advance. Pero ayoko pa rin pangunahan sila until they say so,” ayon sa alkalde.

Nauna nang naglabas ng mga pahayag si Moreno na kung siya ang magwawagi na bagong Pangulo ng bansa ay ipagpapatuloy niya ang giyera kontra ilegal na droga na naaayon umano sa batas at ang ‘Build, Build, Build program’ ni Pangulong Duterte.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with