^

Bansa

Biyahero mula Hong Kong posibleng i-ban

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Biyahero mula Hong Kong posibleng i-ban
People spend time on the waterfront of Victoria Harbour in Hong Kong on May 31, 2020.
AFP / Isaac Lawrence

Sa taas ng kaso ng Omicron

MANILA, Philippines — Pinag-aaralan na ng gobyerno ng Pilipinas ang posibilidad na huwag nang papasukin sa bansa ang mga biyaherong manggagaling sa Hong Kong dahil sa na-detect na mataas na kaso ng COVID-19 Omicron variant.

Ayon kay Acting Health Spokesperson Dr. Be­verly Ho, may kasalukuyang pagpupulong hinggil sa usapin dahil maraming kababayan o OFWs ang nagtatrabaho doon.

Una nang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na inirekomenda na nila ang ban sa Executive Secretary.

“Asahan niyo po na magkakaroon ng deve­lopments within the day or by tomorrow tungkol sa possible expansion po ng mga listahan,” ani Ho nitong Sabado.

“Pero siyempre nakabase pa rin ito sa makukuha nating datos sa iba’t ibang parte ng mundo na ngayon ay lumalabas po kung sila na po ay mayroon na ring na-detect,” dagdag pa niya.

Kasunod ito nang na­ging anunsiyo nitong Biyernes ng gabi na suspendido na ang mga papasok na biyahe ng eroplano mula sa South Africa, kung saan unang natukoy ang nasabing variant, at sa pito pang bansa na nakapaligid dito.

“Patuloy na nag-aaral ang team natin habang naga-unfold kasi oras-oras may lumalabas naman na pong impormasyon kasi even among the countries, they are sharing their data now,” paliwanag niya.

Tiniyak niya na may ilalabas na desisyon anumang oras o sa susunod na mga araw sa ginagawang pag-aaral ukol dito.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with