^

Bansa

Robredo: ‘Di ko ­kinukunsinti ang ‘vote ­buying’

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Robredo: �Di ko ­kinukunsinti ang �vote ­buying�
Ikinatwiran ni Vice President Leni Robredo na nais lamang niya na mamulat ang publiko sa kawalan ng pagpapatupad ng mga batas sa halalan at mga panuntunan ukol sa ‘vote-buying’.
Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Nilinaw kahapon ni Vice President Leni Robredo na hindi niya kinukunsinti ang pamimili ng boto makaraan ang kaniyang pahayag sa isang online forum na kumalat sa social media na pinapayuhan ang mga kasambahay na tanggapin ang pera ngunit bumoto ng ayon sa kanilang konsensya.

Ikinatwiran ni Robredo na nais lamang niya na mamulat ang publiko sa kawalan ng pagpapatupad ng mga batas sa halalan at mga panuntunan ukol sa ‘vote-buying’.

Muli naman niyang iginiit na kailangang iboto ng mga botante ang napupusuan nilang kandidato kahit na tumanggap na sila ng pera buhat sa sinuman. Hindi umano nangangahulugan na may obligasyon na sila sa kandidatong nagbigay sa kanila ng pera.

Sinabi naman ni Comelec spokesperson James Jimenez na kailanman ay hindi dapat ginagawa ang pamimili ng boto at pagbebenta ng boto.

“I disagree with the notion of taking the money and voting according to your conscience. Vote buying is an election offense regardless of financial situation or noble intentions. ‘Di dapat ginagawa, at ‘di dapat sina-suggest yan sa mga botante,” ayon kay Ji­menez sa isang tweet.

Related video:

vuukle comment

LENI ROBREDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with