Doc Willie Ong kumalas sa Lakas-CMD
MANILA, Philippines — Matapos ianunsyo ang pagtakbo bilang running mate ni presidential wannabee at Manila City Mayor Isko Moreno sa May 2022 national polls , nagbitiw na si Dr. Willie Ong sa Lakas–Christian Muslim Democrats (CMD).
Kinumpirma ng tanggapan ni House Majority Leader at 1st District Leyte Rep. Martin Romualdez, Pangulo ng Lakas-CMD ang pagkalas ni Ong sa kanilang partido.
“With all due respect, and after having accepted the offer of Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso to be his vice presidential running mate in the forthcoming elections, I hereby tender my resignation as a member of [Lakas-CMD],” pahayag ni Ong sa kaniyang liham.
Si Ong ay kilala bilang online doctor na sumikat sa You tube channel sa kaniyang propesyon partikular na sa pagbibigay ng tips sa mga pasyente lalo na ngayong panahon ng pandemya.
Pinasalamatan naman ni Ong ang Lakas –CMD matapos siyang tanggapin sa nasabing partido noong 2019 elections.
Si Ong ay kumandidatong Senador noong 2019 sa ilalim ng Lakas-CMD pero nabigo.
Kaugnay nito, tinanggap naman ni Romualdez ang pagbibitiw ni Ong sa partido.
- Latest