^

Bansa

Pamilyang idinawit sa Pharmally nagpasaklolo sa Senado

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Humingi ng proteksiyon sa Senate Blue Ribbon committee ang pamilya ng isang idinadawit sa Pharmally controversy para sa kaniyang mga menor de edad na anak sa harassment at bullying dahil sa mga umano’y malisyoso at walang basehang pag-atake sa kanila ni Sen. Risa Hontiveros lalo na at may mga batang damay sa posts ng senadora.

Matatandaang iniuugnay ni Sen. Hontiveros, isa sa mga kilalang kritiko ng pamahalaan, ang pamilya ng maybahay na si Rose Nono Lin sa naganap na Senate Hearing ukol sa overpriced na pagbili ng PPE ng pamahalaan sa kasagsagan ng pandemya.

Ayon kay Ms. Lin, dumalo siya sa pagdinig ng Senado ngayon para mabigyan ng pagkakataon na linisin ang kanyang pangalan, matapos ang ilang linggong pag-atake sa kanya at kanyang pamilya.

Makikita sa mga Facebook posts hanggang sa Senate Hearing na hinahanap ni Hontiveros ang koneksyon ng Former Economic Adviser ng Pangulong Rodrigo Duterte na si Michael Yang, at kanyang mga kaibigan, kasama na ang asawa ni Ms. Lin na si Allan Lim.

“Ang pangalan po ng asawa ko ay Weixiong Lin. Siya po yung nasa picture na tinutukoy sa post ni Sen. Hontiveros pero hindi po siya si Allan Lim at wala pong kinalaman ang asawa ko sa kalakalan ng droga,” pahayag ni Ms. Lin.

Sinabi ni Hontiveros sa komite na wala siyang balak tanggalin ang mga Facebook posts niya na nagdadawit sa pamilya ni Ms. Nono Lin sa droga. Ito ay sa kabila ng kaalaman tungkol sa mga banta sa kaligtasan ng pamilya ni Ms. Nono Lin.

Ayon naman kay Hontiveros, tatanggalin lang daw niya ang mga online posts niya ukol sa pamilyang Lin kung ipag-uutos ni Senator Richard Gordon na chairman ng blue ribbon.

vuukle comment

SENATE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with