^

Pang Movies

Sheryl gustong makipag-ayos kay Sen. Grace

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Kwento ni Sheryl Cruz, naiinggit sa kanya ang mga beki na kasama sa staff ng Magkaagaw kapag may kissing scene sila ni Jeric Gonzales o kaya’y love scene. After the scene, kinukurot siya ng mga beki at may nag-volunteer pa na maging double niya sa eksena nila ni Jeric, as if naman, papayag si director Gil Tejada, Jr.

Lalo pa sigurong nainggit ang mga beki sa b**w job scene nina Sheryl at Jeric at kahit eksena lang ‘yun at sabi ni Sheryl, walang touching na nangyari sa kanila, iba pa rin ang imagination ng mga beki.

Ito na ang pinaka-daring role ni Sheryl na inatrasan niya noong una dahil hindi niya alam kung kanyang magagawa. Ang ganda ng story at very challenging role at ang husay mangumbinse ng manager niyang si Rams David at ang production ang nakapagpabago sa kanyang desisyon.

Speaking of Sheryl, hindi pa pala sila ayos ng pinsan niyang si Sen. Grace Poe, hindi pa sila nag-uusap pero, willing siyang makausap ang pinsan.

“Pero, sana kung mag-uusap kami, not in front of the public and the media. Kaming dalawa lang ang mag-uusap. With my tita (Susan Roces), okay kami ng auntie ko, she checks up on me at pinadadalhan niya ako ng food. I look up to her as my second mom,” sabi ni Sheryl.

Anyway, sa October 21 na ang pilot ng Magkaagaw after Eat...Bulaga  and from Mondays to Saturdays. Pangungunahan nina Sheryl at Sunshine Dizon na itayo ang bandila ng afternoon prime ng GMA 7.

Lovely mina-manage na ang sarili

Nakita naming nagkasalubong ang talent manager na si Rams David at former talent niyang si Lovely Abella habang palabas na si Lovely sa venue ng mediacon ng Magkaagaw. Nag-beso ang dalawa at biniro si Rams ng mga kaibigang reporter na nakakaalam na lumayas na sa management niya si Lovely.

Tama ang sinabi ni Rams na civil sila ni Lovely at ang pagbebeso nila ang isang rason.

Hindi na nag-renew ng kontrata kay Rams si Lovely at hiningi sa kanya ang mga plano niya sa career niya bago mag-renew ng kontrata. Sabi naman ni Rams, gusto muna niyang pumirma ng kontrata si Lovely at ang sumunod na scenario, nagpaalam ito sa kanya at siya na lang daw ang magma-manage ng kanyang sarili at kanyang career. Wala namang magawa si Rams kundi pumayag. Ang hindi lang maganda rito at tiyak na sasama ang loob ni Rams ay kung lumipat sa ibang manager si Lovely, kaya umalis sa management niya. In fairness kay Rams, marami siyang project na naibigay kay Lovely na ayaw na niyang pag-usapan.

vuukle comment

SHERYL CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with