^

PSN Palaro

Lyceum umeskapo sa Arellano sa semis

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arangkada sa susunod na phase ang Lyceum of the Philippines matapos si­lang akayin ni Jaja Tulang sa 25-17, 24-26, 25-20, 25-19 panalo kontra sa Arellano University sa first stepladder semifinals ng NCAA Season 99 wo­men’s volleyball tournament kahapon sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

Nahirang na Best Pla­yer of the Game si Tulang matapos ilista ang 23 points mula sa 16 attacks, limang blocks at dalawang service aces para sa Lyceum.

Tabla sa tig-isang set ang dalawang koponan sa unang dalawang frames, na­kuha muna ng Lady Pirates ang madaling panalo sa first set, 25-17, bago bu­mawi ang Lady Chiefs sa second set, 24-26.

Nasaksihan ng mga volleyball fans ang tikas ng Lyceum sa third frame ma­tapos lumamang ng anim na puntos, 14-8, naidikit ng Arellano ang iskor, 17-16, pero nanatili ang tikas ng In­tramuros-based squad para makalamang ng isang set, 2-1.

Ganado ang Lady Pirates sa fourth frame at si­nikwat ang 6-1 kalama­ngan kaya kahit nakadikit ang Lady Chiefs ay umu­ngos pa rin ang una para tuluyang payukuin ang huli.

May tsansa sanang ma­kahirit ng deciding fifth set ang Arellano matapos nilang ibaba sa isang puntos ang hinahabol, 14-15, pero hindi nila nakayanan ang lakas ng Lyceum.

Nag-ambag sina Johna Denise Dolorito, Bio Heart at Joan Doguna ng 17, 8 at 7 markers, ayon sa pag­kakahilera, para sa Lady Pi­rates.

Susunod na makakalaban ng Lyceum ang No. 2 Letran sa second stepladder sa Miyerkules.

Kung sino ang manalo sa pagitan ng Lady Pirates at Lady Knights ay ka­ka­labanin ang two-time de­fending champions St. Be­nilde Lady Blazers sa best-of-three title series.

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with