Chery Tiggo biyaheng semis

Pumalo si Eya Laure ng Chery Tiggo laban kay Roma Joy Doromal ng Galeries Tower.
PVL photo

MANILA, Philippines — Dumaan muna sa butas ng karayom ang Chery Tiggo bago opisyal na ma­ibulsa ang huling tiket sa se­mifinal round ng 2024 PVL All-Filipino Conference.

Umeskapo ang Crossovers sa sibak nang Gale­ries Tower Highrisers, 26-24, 23-25, 19-25, 25-12, 15-9, kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Nagpasabog si Eya Lau­re ng 20 points mula sa 15 attacks at limang blocks para sa pang-pitong dikit na ratsada ng Chery Tiggo (9-2) papasok sa Final Four kasama ang Choco Mucho (9-2), nagdedepensang Creamline (8-2) at Petro Gazz (8-2).

“Iyong respeto na ibi­ni­gay namin sa Galeries, talagang ibinigay namin. Talagang nag-prepare kami para rito,” sabi ni Crossovers coach Kungfu Reyes sa Highrisers (3-8).

Umiskor si Ara Galang ng 13 markers para sa Che­ry Tiggo, habang may si­yam at tig-pitong puntos sina Mylene Paat, Aby Ma­rano, Cza Carandang at Ces Robles, ayon sa pag­kakasunod.

Pinamunuan ni France Ronqullio ang Galeries sa kanyang 15 points mula sa 12 attacks, dalawang aces at isang block.

Itinakas ng Crossovers ang 26-24 panalo sa first set, habang inangkin ng Highrisers ang 2-1 bentahe matapos agawin ang se­cond at third set.

Nakatabla ang Chery Tiggo sa fourth set bago ilis­ta ang 10-5 abante sa fifth frame.

Show comments