Lakers pinalubog ang Suns
LOS ANGELES, Philippines — Humakot si Anthony Davis ng 30 points at 13 rebounds habang may 21 markers si LeBron James para sa 100-95 paggupo ng Lakers sa Phoenix Suns.
Ipinasok ni James ang tiebreaking layup sa huling 1:11 minuto para sa Los Angeles na nakabangon mula sa 12-point deficit papasok sa fourth period sa kanilang unang panalo sa bagong season sa home opener ng ika-21st NBA campaign ni James.
Kumamada si Kevin Durant ng 39 points at 11 rebounds para sa Phoenix na naglaro na wala sina injured stars Devin Booker at Bradley Beal.
Kinuha ng Suns ang 84-72 bentahe patungo sa fourth quarter ngunit naimintis ang 13 sa kanilang sumunod na 14 shots at nagtala rin ng 10 turnovers.
Ang back-to-back layups ni James kasunod ang mga free throws nina Austin Reaves at Davis ang nagpreserba sa panalo ng Lakers.
Sa Milwaukee, humataw si Damian Lillard ng 39 points sa kanyang debut para sa Bucks patungo sa 118-117 panalo sa Philadelphia 76ers.
Nagposte ang dating Portland Trail Blazers star ng record para sa pinakamaraming puntos ng isang player sa kanyang Milwaukee debut matapos ang 34 markers ni Terry Cummings noong 1984.
Nagposte si Giannis Antetokounmpo ng 23 points at 13 rebounds para maging franchise career leader.
May 5,905 career field goals ngayon si Antetokounmpo kasunod ang 5,902 baskets ni NBA at Bucks legend Kareem Abdul-Jabbar na naglaro noong 1969 hanggang 1975.
- Latest