NLEX puro na sa bonus sa quarters

Binigyan ng hard foul ni Andreas Cahilig ng Terrafirma si NLEX import Wayne Sedden Jr.
PBA Image

Pumukol si Don Trollano ng career-high na 44 points habang may 38 markers si import Wayne Selden Jr. para igiya ang NLEX sa 142-125 pagbangga sa Terrafirma sa 2023 PBA Governors’ Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Kumonekta si Trollano ng siyam na three-point shots habang may anim si Selden na bahagi ng kabuuang 23 triples ng Road Warriors para sa kanilang 7-3 baraha.

“Sa akin what matters most is the win,” ani coach Frankie Lim sa paglapit nila sa isa sa apat na ‘twice-to-beat’ incentive sa quarterfinals. “I think the record or the score will just come in. Mas important iyong win namin. It’s a must win for us.”

Nag-ambag si Brandon Ganuelas-Rosser ng 19 points at 12 rebounds kasunod ang 15 markers ni Kevin Alas.

Pinamunuan ni Juami Tiongson ang Dyip, laglag sa 2-7, sa kanyang 38 points kasama ang anim na tres habang may 29 markers si import Jordan Williams.

Isang 22-7 atake ang ginawa ng NLEX para iposte ang 66-49 halftime lead matapos makadikit ang Terrafirma sa 42-44 agwat sa 6:23 minuto ng second period.

Pinamunuan ni Tiongson ang 8-0 bomba ng Dyip na nagdikit sa kanila sa 57-66 sa pagbubukas ng third quarter.

Humataw naman ang Road Warriors ng 21-6 arangkada sa likod ng 10 points ni Trollano para mu­ling makalayo sa 87-65 sa 6:47 minuto ng nasabing yugto.

Show comments