Philippine Badminton National Open balik-aksyon

MANILA, Philippines — Magbabalik sa eksena ang Philippine Badminton National Open matapos ang tatlong taon.

Hahataw ngayon ang mga aksyon sa Dragonsmash Badminton Center sa Chino Roces Avenue, Makati City at matatapos sa Pebrero 26.

Kasama sa paglulunsad ng torneo ang national ran-king system at bahagi ito ng paghahanda ng Philippine national team para sa 32nd SEA Games sa Phnom Penh, Cambodia.

“On behalf of the MVP Sports Foundation, chairman Manny V. Pangilinan, and our president Al S. Panlilio, badminton is one of the sports that we identified where the Filipino can be a world-class athlete,” ani Philippine Badminton Association vice president Jude Turcuato.

May kabuuang premyong P1,000,00, ang limang Super 500 events ay ang men’s singles, women’s singles, men’s doubles, women’s doubles at mixed doubles.

Ang mananalo sa singles events ay tatanggap ng P70,000 habang ang magkakampeon sa doubles events ay magbubulsa ng P150,000

Show comments