National road team, coaching staff binalasa ng PhilCycling

MANILA, Philippines — Binuwag kahapon ng PhilCycling ang national road team at coaching staff sa hangaring makapadyak ng maraming gintong medalya sa 32nd Southeast Asian Games sa Mayo sa Cambodia.

Bokya ang national road team sa nakaraang edisyon ng SEA Games sa Hanoi, Vietnam kung saan tatlong tansong medalya lamang ang nahakot ng delegasyon mula sa mountain bike.

Mananatili naman ang komposisyon ng national teams para sa mountain bike at BMX base sa isinagawang annual board meeting ng Philcycling sa Manila Hotel.

Nakasama ni Tolentino sa naturang pulong sina PhilCycling chairman Bert Lina at vice president Oscar “Boying” Rodriguez.

Hinirang ni Philcycling at Philippine Olympic Committee (POC) president Rep. Abraham “Bambol” Tolentino sina Philippine Navy-Standard Insurance coach Reinhard Gorantes at dating top women’s rider Marita Lucas bilang interim coaches ng national men at women road teams, ayon sa pagkakasunod.

Ang mga interesadong coaches ay maaaring mag-apply sa pamamagitan ng federation email na philcycling@gmail.com. 

Show comments