NLEX sumosyo sa liderato Russell Cadayona

Nakawala si NLEX import Jonathon Simmons sa kanyang TNT defender.
PBA Images

San Miguel nilango ang Blackwater

MANILA, Philippines — Bumangon ang NLEX mula sa 15-point deficit sa third period para balikan ang TNT Tropang Giga, 110-108, sa 2023 PBA Go­­­vernors’ Cup kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Iniskor ni import Jona­thon Simmons ang 26 sa kanyang 45 points sa se­cond half para sa 3-0 record ng Road Warriors at sosyohan ang Converge FiberXers sa liderato.

Nag-ambag si Sean An­­thony ng 15 markers at tinipa ni Kevin Alas ang hu­­ling apat na puntos ng ko­ponan ni head coach Frankie Lim.

Tumapos naman si import Ja­len Hudson na may 39 mar­kes sa panig ng Tro­pang Giga (2-1).

Kinuha ng TNT ang 85-70 abante sa 3:30 minuto ng third quarter bago na­a­gaw ng NLEX ang 99-98 bentahe sa 5:32 minuto ng fourth period.

Ang dalawang basket ni Alas ang nagbigay sa Road Warriors ng 110-106 ka­lamangan sa huling 41 se­gundo kasunod ang tira­da ni Kelly Williams para idi­­kit ang Tropang Giga sa 108-110 sa 33 se­gundo.

Bigo si Roger Pogoy na maitabla ang TNT sa ka­­nilang huling posesyon.

Sa unang laro, dumi­retso ang San Miguel sa ka­­nilang ikalawang sunod na panalo matapos gibain ang Blackwater, 105-86, tampok ang 22 points ni Je­­richo Cruz.

Humakot si six-time PBA MVP June Mar Fajardo ng 17 points, 16 boards, 4 assists at 2 steals.

Ipinoste ng Beermen ang 30-point lead, 63-33, sa huling 42 segundo sa se­cond period bago ito na­putol ng Bossing (1-2) sa 84-98 sa huling 2:56 minuto ng fourth quarter.

“Like what I always say, if we give other teams a chance to come back, they will take advantage of it,” ani SMB coach Jorge Gallent.

Show comments