National qualifiers para sa SEAG

MANILA, Philippines — Itinakda ang qualifying tournament para sa pagbuo ng national swimming team na isasabak sa 32nd Southeast Asian Games sa Phnom Penh, Cambodia sa Mayo.

Idaraos ang qualifying sa Pebrero 18 at 19 sa New Clark City Aquatics Center sa Capas, Tarlac.

Ito ang inihayag ng Stabilization Committee na siyang inutusan ng World Aquatics para pangalagaan ang swimming community sa bansa.

Ipinag-utos ng FINA noong Disyembre 3 ang pagbu­o ng Stabilization Committee matapos tanggalan ng pag­kilala ang lahat ng board members ng Philippine Swimming Inc. (PSI) sa pangunguna ng presidente nitong si La­ni Velasco.

Ang Stabilization Committee ay binubuo nina POC legal head Atty. Wharton Chan, deputy secretary general Valeriano “Bones” Floro at Bases Conversion Development Authority senior vice president Arrey Perez.

Bukas ang tryout sa lahat ng mga swimmers at clubs na gustong maging bahagi ng national team.

Maliban sa swimming, idaraos din ang mga qualifying sa diving at water polo para makabuo ng national team sa SEA Games na nakatakda sa Mayo 5 hanggang 17.

Pagbabasehan ng Stabilization Committee ang swimming technical handbook ng Cambodia SEA Games Organizing Committee.  

Show comments