Valientes hiniya ang Singapore sa ABL

MANILA, Philippines — Sinilat ng Zamboanga Valientes ang home team na Singapore Slingers, 87-79, para sa magarbong pagtatapos ng Singapore Circuit ng 2023 ASEAN Basketball League (ABL) Invitational sa OCBC Arena.

Tumabo ng 28 mar­kers, 10 rebounds, 5 as­sists at 4 steals si da­ting PBA import  Antonio  Hester upang pamunuan ang atake ng Valientes, na winakasan ang two-game lossing streak tungo sa 2-2 kartada.

Wagi ang Zamboanga sa debut game nito kontra sa Louvre Surabaya bago yumukod sa Saigon Heat at sa NS Matrix Malaysia papasok sa buong linggong pahinga bago ang Indonesia Circuit sa susunod na linggo.

Tumulong kay Hester ang veteran guard na si Rudy Lingganay na may 14 puntos, 3 rebounds at 2 assists tampok ang nagliliyab na tres para sa 87-72 abante ng Zamboanga sa huling minuto.

Show comments