^

PSN Palaro

URCC sasambulat ngayon sa Okada

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling aarangkada ang matinding bakbakan sa Universal Reality Combat Championship Mixed Martial Arts matapos ang tatlong taong pagkatengga nito dahil sa pandemya.

Lalarga ang torneo ngayong gabi sa Okada Manila sa Pasay City kung saan tatawagin itong “Decades of Success.”

Pasok sa main event ang tatlong laban nina Team Philippines Sugar Ray “Mammoth” Estroso, Caloy “Bad Boy” Baduria at Boss Bullet Manliclic.

Makakasagupa ng Pinoy fighter ang Team Korea na binubuo nina Jeong Minhun, Choi Wontae at Jeon Youngjun

Paglalabanan din ang URCC welterweight interim championship sa pagitan nina Filipino Arvin Chan at American Will Chope habang magtutuos sina American Dunlee Stewart at John Tirona sa 170 lbs bout.

Masisilayan din ang laban nina Gester Maglaque at Costa Rican fighter Mariano Jones sa 185 lbs division.

“Sa suntok, walang malaki, pag tumama, may paglalagyan,” ani Estroso.

Nakalinya rin ang salpukan nina Kimbert Alintozon at Junie Kimayong para sa 125 lbs, Rhyle Lugo at Alex Aballe para sa 145 lbs, at Eros Baluyot at MJ Abrillo para naman sa 125 lbs.

“Papakita natin sa buong mundo na magaling ang pinoy kahit foreign fighters kaya nilang taubin kaya its better that we have foreign fighters na lalaban ang mga Pinoy,” ani URCC chairman Arnold Vegafria.

MIXED MARTIAL ARTS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with