^

PSN Palaro

La Salle minalas sa Adamson

John Bryan Ulanday - Pilipino Star Ngayon
La Salle minalas sa Adamson
Tinangkang supalpalin ni Evan Nelle ng La Salle ang tira ni Vince Magbuhos ng Adamson
UAAP

MANILA, Philippines — Nagliyab si Jerom Lastimosa sa 22 puntos upang buhatin ang A­damson papasok sa Final Four matapos ang pambihirang 80-76 panalo kontra sa La Salle sa knockout game ng UAAP Season 85 men’s basketball tournament kagabi sa Mall of Asia Arena.

Tampok sa pagwawala ni Lastimosa ang personal na 11-0 ratsada sa third quarter kung saan binaliktad ng Soaring Falcons ang 46-56 na deficit tungo sa 57-56 abante bago makaungos sa wakas sa last 2 minutes.

Nagdagdag ng 6 assists si Lastimosa kabilang na ang pambaong freethrows sa huling 12 segundo upang masiguro ng Adamson ang huling tiket sa semifinals sa unang pagkakataon simula 2018.

Nag-ambag din ng 13, 11 at 10 markers sina Joshua Yerro, Ap Manlapaz at Lenda Dounga, ayon sa pagkakasunod, para sa Soaring Falcons na pinurnada ang sana’y bigating Ateneo-La Salle showdown sa Final Four.

“It feels good to be back in the Final Four. We’re actually gatecrashing the Final Four. People did not expect us to be in the Final Four,” ani coach Nash Racela.

Bilang No. 4 seed, ma­kakasagupa ng A­damson sa semis ang primerang Ateneo habang makakabangga ng segunda at reigning champion na UP ang No. 3 na NU.

Samantala, umeskapo ang La Salle Lady Archers kontra sa UST Growling Tigresses sakay ang dikit na 74-69 panalo sa knockout match upang umabante sa UAAP women’s basketball tournament finals kontra sa six-time reigning champion NU.

UAAP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with