^

PSN Palaro

HD Spikers reresbak sa Game 2

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Walang iba kundi ma­ka­resbak ang tanging nasa isip ng Cignal sa oras na muli nitong makaharap ang defending champion Petro Gazz sa Game 2 ng Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Confe­rence sa Martes sa Philsports Arena sa Pasig City.

Lumasap ang HD Spi­kers ng 21-25, 25-27, 25-27 kabiguan sa kamay ng Gazz Angels sa Game 1 ng best-of-three championship series noong Huwebes sa Smart Araneta Coliseum.

Bigo ang Cignal na matagpuan ang solidong kumbinasyon dahilan upang lumasap ito ng straight set loss sa Petro Gazz.

Malaking pasakit pa ang 19 errors na nagawa nito.

Kaya naman tututukan ni Cignal head coach Shaq Delos Santos ang mga pagkakamali ng kanyang tropa sa Game 1 at umaasang hindi na ito mauulit pa sa susunod na laro.

“Proud ako sa team dahil nilaban  naman namin hanggang dulo. Marami pa rin kaming kulang. Marami kaming dapat i-improve especially sa ganitong si­tuation,” ani Delos Santos.

Sa kabila ng kabiguan, ipinagmamalaki ni Delos Santos ang kanyang bataan lalo pa’t nakaabot ang mga ito sa finals.

“Sabi ko lang sa kanila na wala tayong dapat ikahiya kasi lumaban naman tayo. Grabe rin kasi yung effort ng Petro Gazz especially yung import nila at yung senior players nila,” ani Delos Santos.

Sa Game 1, tanging si American import Tai Bierria lamang ang nagtala ng double digits kung saan umiskor ito ng 18 markers.

Inaasahang babanta­yan ng HD Spikers si Gazz Angels import Lindsey Vander Weide na nagtala ng career-high 34 points sa Game 1.

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with