URCC 81: Decades of Success sa Disyembre 6

MANILA, Philippines — Ipagdiriwang ng Universal Reality Combat Cham­pionship (URCC) ang dalawang dekada ng kadakilaan sa pagdaraos ng Decades of Success (DOS) sa Dis­yembre 6 tampok ang mga best mixed martial artists sa Okada Manila sa Parañaque City.

Inihayag ni URCC founding president Alvin Aguilar ang pagsasagawa ng URCC 81 tatlong taon matapos ang huling pamahala ng main event.

“Our first main event in three years will definitely an unforgettable night in mixed martial arts because we settled in fight nights during the course of the Covid-19 pandemic,” ani Aguilar. “Now, we have a lot of good fighters and everyone is very excited.”

Matutunghayan sa nasabing edisyon ang mga labanan sa 3 Versus 3, MMA at Bare-knuckle bouts.

Ang “Retribution” ang huling main event card na idinaos ng URCC noong Nobyembre 2019 sa pareho ring venue at nakapagsagawa ng tatlong fight nights nang payagan ng gobyerno ang mga contact sports.

Sa pagdiriwang sa pagbabalik ng URCC main event ay haharapin ng Team Philippines nina Sugar Ray “Mammoth” Estroso, Caloy “Bad Boy” Baduria at Boss Bullet Manliclic sina South Koreans Jeong Minhun, Choi Wontae at Jeon Youngjun sa 3 versus 3 event.

Isasalang din ang URCC welterweight interim championship nina Filipino Arvin Chan at American Will Chope na isa sa mga tampok sa main event na inihahandog ng Okada Manila katuwang ang Winzir.

Show comments