^

PSN Palaro

Fuel Masters iginarahe ang Dyip

Rusell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Fuel Masters iginarahe ang Dyip
Pinigilan ng Fuel Masters ang tatlong dikit na kamalasan para ilista ang 6-6 record habang tinapos ng Dyip ang kampanya sa 1-11.
STAR / File

MANILA, Philippines — Pinagpraktisan ng Phoenix ang Terrafirma, 135-84, para sumikwat ng playoff sa isang quarterfinal ticket sa 2022 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Pinigilan ng Fuel Masters ang tatlong dikit na kamalasan para ilista ang 6-6 record habang tinapos ng Dyip ang kampanya sa 1-11.

“We just made sure that we focused on ourselves and not the competition because the moment you disrespect the other team, you are going to fall flat on your back,” ani Phoenix coach Topex Robinson na nakahugot kay RR Garcia ng 20 points kasunod ang tig-17 markers nina import Kaleb Wesson at Encho Serrano.

Muling naglaro ang  Dyip  na wala si import Lester Prosper na inilagay sa health and safety protocols.

Mula sa maliit na 26-13 abante sa first quarter ay kumawala ang Fuel Masters sa second period para ilista ang 67-30 abante patungo sa 107-61 pag-iwan sa Dyip papasok sa final canto.

Samantala, bibigyan ng PBA ng sapat na panahon ang Gilas Pilipinas sa preparasyon sa 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia.

Sinabi ni PBA Commissioner Willie Marcial na magkakaroon ang liga ng siksik na iskedyul sa da­rating na Governor’s Cup tampok ang mga tr­iple-headers sa bawat playdates.

Sa Mayo idaraos ang 2023 SEA Games sa Cambodia at determinado ang Gilas na mabawi ang titulong inagaw ng Indonesia sa nakalipas na Vietnam edition.

Sasalang din ang Nationals sa FIBA World Cup sa Agosto na lalaruin sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

PHOENIX

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with