Creamline vs Cignal sa Finals?

Alyssa Valdez
PVL

MANILA, Philippines — Abot-kamay na ni Creamline at Cignal ang finals ticket matapos ang kanilang impresibong panalo sa unang araw ng semifinal round ng Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference.

Mabilis na inilampaso ng Cool Smashers ang nagdedepensang Petro Gazz, 25-21, 25-20, 25-23, habang tinalo ang HD Spikers sa Chery Tiggo, 28-26, 25-17, 25-23.

“Bawat game talaga importante kaya we’re happy na nakuha namin iyong pa­nalo sa Petro Gazz in three sets kasi malaking tulong iyong sa point system if ever magkaroon ng tie,” ani Cool Smashers head coach Sherwin Meneses.

Parehong may 1-0 re­kord ang Cool Smashers at HD Spikers at nahulog sa 0-1 ang Gazz Angels at Crossovers na kailangang maipanalo ang susunod na laro para manatiling buhay ang pag-asa sa finals.

Iubuhos na ng Creamline at Cignal ang kanilang buong lpuwersa sa ikalawang araw ng semifinals bukas sa Smart Araneta Co­liseum.

Maghaharap ang Cool Smashers at HD Spikers sa alas-2:30 ng hapon kasunod ang duwelo ng Crossovers at Gazz Angels sa alas-5:30 ng hapon.

Importante ang bawat laro sa semis dahil ang top two teams ang papasok sa best-of-three championship series.

Paglalabanan naman ng No. 3 at No. 4 teams ang bronze medal.

Show comments