^

PSN Palaro

Cardinals binomba ng Heavy Bombers

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Cardinals binomba ng Heavy Bombers
Dinepensahan ni Jopet Soriano ng Mapua si CJ Gonzales ng Letran sa NCAA.
STAR/File

MANILA, Philippines — Nalusutan ng Jose Rizal University (JRU) ang Mapua University (MU) sa pamamagitan ng 67-64 overtime win upang masikwat ang ikatlong sunod na panalo nito sa National Collegiate Athletic Association (NCAA) Season 98 men’s basketball kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Nagpasabog si Joshua Guiab ng double-double output na 17 points at 10 rebounds para pamunuan ang Heavy Bombers na sumulong sa 3-2 rekord.

Nakakuha ng sapat na suporta si Guiab kay Marwin Dionisio na bumanat ng 15 puntos at limang rebounds habang nagrehistro naman si Agem Miranda ng 13 points, apat na rebounds at tatlong assists.

“We really needed to grind it out. There’s so much to learn from this, especially for my starters. In the middle of the game, it was my second group helping the team,” ani JRU head coach Louie Gonzales.

Naglista pa si William Sy ng walong puntos at siyam na boards samantalang nag-ambag si CJ Gonzales ng walong puntos at apat na rebounds.

Patuloy na inaalat ang Season 97 runner-up Cardinals na lumasap ng ikalimang kabiguan para malaglag sa ilalim tangan ang 1-5 baraha.

Nanguna para sa Mapua si Brian Lacap na umiskor ng 13 puntos at anim na boards.

Ngunit ito lamang ang may double digit output sa hanay ng Mapua kung saan nalimitahan si Warren Bonifacio sa siyam na puntos subalit bumawi ito sa shaded area bitbit ang 13 rebounds.

Sa ikalawang laro, sinamantala ng San Beda University ang pagkawala ng dalawang key players ng defending champion Colegio de San Juan de Letran upang itakas ang 76-68 panalo.

Bida si James Kweku­teye na umiskor ng 17 points, 11 rebounds at limang assists habang nagdagdag naman si JB Bahio ng 16 points at 13 boards para sa Red Lions na sumulong sa 3-2 marka.

Nalaglag sa parehong 3-2 ang Knights na naglaro nang wala sina Brent Pa­raiso at Louie Sangalang na pinatawan ng isang larong suspensiyon.

Magpapatuloy ang aksyon ngayon araw kung saan maghaharap ang Emilio Aguinaldo College at Jose Rizal University sa alas-12 ng tanghali.

Susundan ito ng bakbakan ng San Beda University at Lyceum of the Philippines University sa alas-3 ng hapon.

NCAA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with