^

PSN Palaro

Kapakanan ng atleta prayoridad ni Buhain

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Kapakanan ng atleta prayoridad ni Buhain
Sina Olympian coach Carlos ‘Pinky’ Brosas at Congressman Eric Buhain sa TOPS ‘Usapang Sports’.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nais ni dating Southeast Asian Games multi-gold medalist Eric Buhain na mabigyan ng solidong suporta ang mga Pinoy athletes na nagpapakasakit para bigyan ng karangalan ang bansa.

Marami nang napagdaanan si Buhain bilang atleta at opisyal ng Philippine Sports  Commission (PSC) at Games and Amusements Board (GAB) kaya’t alam nito ang nararamdaman ng mga atleta.

Kaya naman magiging kasangga ng mga atleta si Buhain para labanan ang mga opisyales na nanggigipit sa kanila.

Bilang kinatawan ng Batangas sa Kongreso, nangako rin si Buhain na isusulong nito ang batas para madagdagan ang insentibo ng mga atleta at coaches.

“Ang isports ay karapatan ng bawat Pilipino at hindi isang pribilehiyo para sa ilang indibidwal o grupo. Hindi para sa mga miyembro lamang o club affiliation lamang,” ani Buhain sa lingguhan TOPS sa Behrouz Restaurant sa Timog, Quezon City.

Si Buhain ang co-chairman ng Young and Sports Committee sa Kongreso.

“Kailangan nating ma­bigyan ng tunay na pagkalinga ang ating mga atleta at pananagutin ang mga sports association na talagang nagpapabaya sa kanilang mga responsibilidad,” dagdag ni Buhain.

Isusulong nito ang House Bill 8910 (An Act to Strengthening the Games and Amusements Board) na magdidikta upang bumuo ng Athlete’s Welfare Fund.

Ito ay para sa mga retiradong propesyonal na atleta.

“Napakaimportante ng bill na ito dahil nakapaloob din dito yung power to prescribe rules sa regulation and supervision ng sa­bong, e-sabong, esports and other pro sports,” wika pa ni Buhain.

Makakatuwang ni Buhain si Richard Gomez bilang co-chairman ng Youth and Sports.

Isa rin si Gomez sa mga naging atleta at kasaluku­yang opisyal ng fencing.

Naglaro rin si Gomez ng volleyball, rowing at iba pang sports na kinahiligan nito.

ASIAN GAMES

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with