^

PSN Palaro

Folayang humihirit ng rematch kay Alvarez

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon

Sa Legend Vs Legend Bout

MANILA, Philippines — Nais ni mixed martial arts legend Eduard Fola­yang na makalaban muli si Eddie Alvarez sa ONE Championship.

Atat na si Folayang na makaharap ang American fighter upang makabawi mula sa pagkakadapa niya kay Alvarez noong 2019.

Aminado ang 38-anyos na si Folayang na nagkamali siya ng diskarte ng una silang magharap ni Alvarez.

Sa kaagahan ng laban ay nakalamang si Folayang matapos nitong matamaan ng malakas na sipa si Alvarez sa hita, dahilan upang mapahiga ito sa sahig.

Sinamantala ng Filipino superstar ang pagkakataon pero hindi nasira ang diskarte ni Alvarez, nagawa nitong makakawala at siya naman ang bumanat kay Folayang.

May 2:16 minuto pa sa first round nang tapusin ni Alvarez si Folayang.

“It wasn’t the outcome that I wanted. We all know that we all make mistakes in life. Even a small error could lead to disaster. That’s why I’m willing that Alvarez vs. Folayang II does happen,” saad ni Folayang ng Team Lakay.

Samantala, magbabalik ang ONE Championship sa July 22 na gaganapin sa Singapore.

ALVAREZ

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with