^

PSN Palaro

Marcial makikipagpulong sa B.League at KBL officials

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Marcial makikipagpulong sa B.League at KBL officials
Willie Marcial.
STAR / File

MANILA, Philippines — Makikipag-usap si PBA Commissioner Willie Marcial sa mga top officials ng Japan B.League at Korean Basketball League (KBL) kaugnay sa paglalaro ng mga Pinoy cagers sa kanilang mga liga.

Kabilang sa mga nag­lalaro sa B.League bilang Pinoy imports ay ang magkapatid na Kiefer (Shiga Lakestars) at Thirdy Ra­vena (San-en NeoPhoenix), Bobby Ray Parks Jr. (Nagoya Diamond Dolphins), Kobe Paras (Altiri Chiba) at Dwight Ramos (Levanga Hokkaido).

Sasalang din sa B.League si dating La Salle Green Archers at Gilas Pilipinas big man Justine Baltazar para sa Hiroshima Dragonflies.

Nakatakda namang sumabak sa KBL sina da­ting Ateneo Blue Eagles star guard SJ Belangel at Far Eastern University Tamaraws playmaker RJ Abarrientos.

Isusuot ni Belangel ang uniporme ng Daegu Korea Gas Corporation (KOGAS) sa KBL habang maglalaro si Abarrientos para sa Ulsan Hyundai Mobis.

“Tingnan natin, kasi two months ago, nag-uusap na kami ng Japan at ng Korea kung paano,” ani Marcial sa kanyang pakikipagpulong kina B. League chairman Shinji Shimada at KBL Commissioner Kim Hee Ok.

Magtutungo si Marcial sa Japan sa Setyembre para makipag-usap ay Shimada ukol sa inaasahang pagplantsa sa relasyon ng PBA at ng B.League.

Malalaking kontrata ang inaalok ng mga B.League teams na kinakagat ng ilang PBA at collegiate pla­yers na ginagawa rin nga­yon ng KBL.

WILLIE MARCIAL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with