MANILA, Philippines — Inangkin ni SMART/MVP Sports Foundation national taekwondo para-athlete Allain Keanu Ganapin ang gold medal sa male -80-kilogram K44 Class sa katatapos na 2022 Sharjah Qualification Tournament sa United Arab Emirates.
Dinomina ni Ganapin ang karibal na Kazakhstan sa finals, 10-0, para makumpleto ang pamamayagpag sa torneong nilahukan ng mga para jins mula sa 12 bansa tulad ng Japan, Iraq, Uzbekistan, Thailand, India, Mongolia, Nepal, Laos at Bahrain.
Kuwalipikado na si Ganapin, miyembro ng Philippine national taekwondo para team, sa Asian Para Games ngayong taon na gaganapin sa Hangzhou, China.