^

PSN Palaro

Tatapusin na ng UP!

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Tatapusin na ng UP!
Ricci Rivero of UP goes up for a shot against Ateneo's Gian Mamuyac in Game One of the UAAP finals.
UAAP Media Bureau

MANILA, Philippines — Puntirya ng University of the Philippines na masikwat ang kampeonato laban sa defending champion A­teneo de Manila University sa paglarga ng Game 2 ng UAAP Season 84 men’s basketball tournament ngayon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Muling magtutuos ang Fighting Maroons at Blue Eagles sa alas-6 ng gabi kung saan hangad ng UP na pormal nang tapusin ang best-of-three cham­pionship series.

Nakalapit sa korona ang Fighting Maroons matapos maitarak ang pukpukang 81-74 overtime win laban sa Blue Eagles sa Game 1 noong Linggo.

Sinaniban ang Fighting Maroons ng never-say-die spirit na ipinakita nito sa series opener.

Nakalugmok ang UP sa buong panahon ng laro subalit hindi agad ito bumitiw hanggang sa huling sandali para makuha ang panalo.

“We just kept remin­ding each other not to give up,” ani UP coach Goldwin Monteverde.

Kaya naman inaasa­hang ibubuhos na ng UP ang kanilang buong lakas upang matuldukan ang ilang dekadang pagkauhaw nito sa kam­peonato.

Pangungunahan nina Ricci Rivero, Maodo Malick Diouf, Xavier Lucero at Carl Tamayo ang matikas na ratsada ng Fighting Maroons para maisakatuparan ang inaasam na kampeonato.

Sa kabilang banda, hindi naman basta-basta susuko ang Blue Eagles.

At tiyak na magiging handa ito upang mapigilan ang selebrasyon ng Figh­ting Maroons at manatiling buhay ang pag-asa nito sa tangkang four-peat.

Maglalabas ng bagong formula si Blue Eagles head coach Tab Baldwin para mapigilan ang anumang bombang pasasabugin ng Fighting Maroons.

“We felt we needed a few things differently with our lineup and in retrospect, maybe we would second guess that,” ani Baldwin.

Isa sa mga nakikitang problema ng kanyang bataan ang match up sa size.

Kaya may balak itong gawin sa Game 2.

UAAP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with