^

PSN Palaro

Obiena laglag na sa vietnam seag, World Championships

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tiyak nang mawawalan ng isang gold medal ang Team Philippines sa pag­lahok sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam

Ito ay dahil hindi isinama ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) ang pangalan ni Tokyo Olympian Ernest John Obiena sa listahan ng mga atletang ilalaban sa Vietnam SEA Games na nakatakda sa Mayo 12-23.

“Barring serious injury, EJ will win the gold medal even blind folded in Hanoi,” sabi kahapon ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino. “He’s not only the best in the SEA Games, but in the whole of Asia—not to forget that he’s No. 5 in the world.”

Ang ugat ng sigalot nina Obiena at PATAFA chief Philip Ella Juico ay ang pagsusumite umano ng pole vaulter ng dinoktor na liquidation report para sa coaching fee ni Ukrainian trainer Vitaly Petrov.

“An NSA relentlessly sanctioning its No. 1 athlete—a guaranteed win and who knows a future world and Olympic champion—I just couldn’t find a logic,” dagdag ng POC head.

Ang 6-foot-2 na si O­biena ang kasaluku­yang record-holder sa SEA Games at Asian Cham­pionships at kinatatakutan sa mga international pole vaulting competitions sa Europe.

Bukod sa Vietnam SEA Games ay hindi na rin makakasali si Obiena sa World Indoor Cham­pionships sa Marso 18-20 sa Belgrade, Serbia dahil noong Lunes itinakda ang deadline ng pagtatala ng qualified athletes.

Ito ay dahil hindi siya binigyan ng PATAFA ng endorsement para makalahok sa nasabing torneo na sinasalihan ng mga world champions at Olympic winners.

Si Obiena sana ang kauna-unahang full-bloo­ded Filipino na sasabak sa world indoors.

SEA GAMES

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with