For sale

Binebenta ang Alaska franchise sa PBA matapos itong mag-announce ng disbandment. Last conference na nila ito.

Matagal sila sa PBA. Tumagal ng 35 years. Inabot ko pa ang grand slam nila nung 1996.

Kaya malungkot pakinggan ang balita – para sa PBA, players, team management, fans at kahit media.

Ang ugong, around P100 million ang selling price.

Sana makahanap ng buyer dahil kung hindi, babalik sa PBA ang franchise at kailangan ng expansion draft para sa mga players.

Kung may buyer, kanila ang buong team.

Pero, may buyer nga kaya ngayong mahirap ang sitwasyon dahil sa COVID-19?

Mahirap mag-maintain ng PBA team ngayong pandemic. Kung hinto ang games, tuloy ang sweldo. For one year, pwede u­mabot ng P80 million ang gastos ng isang team.

Kaya ang tanong ay may buyer kaya?

Meron daw mga nagtanong sabi ng PBA. At hindi lang isa kundi tatlo.

Ayaw sabihin ng PBA kung sino dahil sa request ng potential buyer. Pero lumulutang ang pangalan ng Chooks-to-Go.

Sana totoo na may mga interested buyers.

Matinding tawaran yan.

Show comments