Yulo idedepensa ang korona sa floor exercise

MANILA, Philippines — Ito na ang pagkakataon ni national gymnast Caloy Yulo na makabawi mula sa nakakadismaya niyang kampanya sa nakaraang 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan noong Hulyo.

Sasalang si Yulo sa finals ng men’s floor exercise ngayong alas-3 ng hapon (Manila time) sa 50th FIG Artistic Gymnastics World Championships sa Kita­kyushu, Japan.

Umiskor ang 21-anyos na gymnast ng 15.166 points para banderahan ang qualifying round ng paborito niyang event.

“I did everything, like I practiced a lot before Olympics and I did what I really wanted,” sabi ng tubong Leveriza, Manila na minalas sa Tokyo Olympics.

Hangad ni Yulo ang kanyang ikalawang sunod na gold medal sa floor exercise event ng world championships matapos noong 2019 edition sa Stuttgart, Germany. 

Show comments