_ngayon
^

PSN Palaro

Rigondeaux ‘di natatakot kay Casimero

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi nasisindak si Cuban fighter Guillermo Rigondeaux sa bagsik ng kamao ni reigning World Boxing Organization (WBO) bantamweight champion John Riel Casimero.

Nakakasa na ang lahat ng armas nito upang buwagin ang puwersang ilulunsad ng Pinoy champion sa oras na magkrus ang kanilang landas sa Agosto 14 (Agosto 15 sa Maynila) sa Carson, California.

“I’m not worried about Casimero’s power or anything he brings. I’ve fought in three divisions and I’ve gone after the biggest challenges every time. I’m just not worried about what Casimero will do in the ring,” ani Rigondeaux.

Alam ni Rigondeaux na ilalabas ni Casimero ang buong puwersa nito sa laban para makuha ang panalo.

Subalit preparado rin ang Cuban pug na ibuhos ang itinatago nitong lakas para mabigyan ng magandang laban si Casimero.

“It’s simple to me. Casimero is going to do his job and I’m going to do mine. We’ll both bring our ‘A-games’ and see who comes out on top,” ani Rigondeaux.

Nauna nang inihayag ni Casimero na pagreretiruhin nito si Rigondeaux.

Sinabi ni Rigondeaux na kailangan itong patunayan ni Casimero sa fight day hindi puro satsat.

Ipaparamdam ni Rigondeaux ang lakas ng kamao nito upang patahimikin ang Pinoy fighter.

“We’ll see if he’s able to back up that talk. He’s going to feel my power. Everyone is talking about his power and I feel like my power is being underestimated,” ani Rigondeaux.

Ipinagmalaki ni Rigondeaux na nasa mataas na lebel na ang pagsasanay nito para masiguro na handang-handa ito para sa laban.

WBO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with