_ngayon
^

Orcollo kampeon sa Texas

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - June 22, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tuloy ang pananalasa ni dating world champion Dennis Orcollo sa US circuit matapos pagharian ang 8th Annual Big Tyme Classic Open 9-Ball na ginanap sa Big Tyme Billiards sa Spring, Texas.

Pinataob ni Orcollo si Shane Van Boening ng Amerika sa finals upang masiguro ang kanyang ika-10 titulo sa US circuit.

Naibulsa ni Orcollo ang $4,540 premyo habang nagkasya si Van Boening sa $2,890 konsolasyon.

Hindi naging madali ang pinagdaanan ni Orcollo dahil kailangan nitong talunin si Van Boening ng dalawang beses sa finals.

Nasiguro ni Van Boe­ning ang twice-to-beat edge matapos umabante sa championship round nang walang talo.

Nasungkit ni Orcollo ang 10-5 panalo sa Game 1 para maipuwersa ang do-or-die Game 2.

Subalit mas naging mahirap ang daan para sa Pinoy cue master sa deci­ding game nang makuha ni Van Boening ang kalamangan sa unang bahagi ng laban, 4-3.

Naging matiyaga si Orcollo sa bawat tirada nito para makadikit sa 4-4.

Unti-unti nang lumayo si Orcollo para makuha ang 8-5 panalo sa Game 2.

DENNIS ORCOLLO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with