_ngayon
^
Clark bubble para sa FIBA ACQ bantay-sarado
Kai Sotto

Clark bubble para sa FIBA ACQ bantay-sarado

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - June 15, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Maraming mata ang nakatutok sa FIBA Asia Cup Qualifiers sa Clark, Pampanga upang masiguro na ligtas ang lahat ng nasa loob ng bubble.

Dumating na sa Clark ang mga delegado kabilang na ang Gilas Pilipinas para sa final qualifiers na lalarga mula bukas hanggang sa Hunyo 20.

Kaya naman, bantay-sarado na ng mg awtoridad ang Clark bubble.

“This is the first international sporting event since we went through this very difficult time. Seeing Gilas Pilipinas compete here at home is such a welcome sight and gives us so much hope that we are towards the tail end of this difficult time,” ani BCDA President and Chief Executive Officer Vince Dizon.

Maliban sa Gilas Pilipinas, nasa Quest Hotel na rin ang China, Chinese-Taipei, Indonesia, Japan, Malaysia, South Korea at Thailand.

Sasailalim ang lahat ng teams at mga officials nito sa ilang serye ng swab test bilang bahagi ng health protocols.

Lahat ng foreign participants ay dumaan sa pre-travel RT-PCR tests 12 days, 7 days at 3 days bago umalis sa kani-kanyang bansa.

Sa oras na may mag-positibo sa COVID-19, agad itong ihihiwalay at sasailalim sa confirmatory test.

Magiging limitado rin ang galaw ng mga pla­yers, coaches at staff na maaari lamang magtungo sa airports, hotels at game venue.

Nagpasalamat si Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) Executive Director Sonny Barrios sa lahat ng tumulong para maging matagumpay ang hosting ng bansa ng qualifiers.

FIBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with