_ngayon
^
Coaching staff may evaluation kay Sotto
Sumasailalim sa mahigpit na safety protocols ang Gilas Pilipinas bago pumasok sa Quest Hotel and Conference Center para sa FIBA ACQ.
BCDA Image

Coaching staff may evaluation kay Sotto

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - June 15, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tapos na ang quarantine ni Kai Sotto subalit sasailalim pa ito sa  evaluation ng coaching staff upang malaman kung maaari na itong makalaro sa FIBA Asia Cup Qualifiers.

Ayon kay Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) special assistant to the president Ryan Gregorio, titingnan pa ng coaching staff kung nasa kundisyon si Sotto.

Sa oras na makitang handa itong sumalang sa ma­tinding bakbakan sa qualifiers, posibleng maisama ito sa final lineup ng Gilas Pilipinas.

Kaya naman nakasalalay ang lahat sa magiging pasya ng coaching staff sa pangunguna ni Gilas Pilipinas head coach Tab Baldwin.

“He will still be eva­luated in terms of his match fitness. That’s part of my discussion with coach Tab Baldwin,” ani Gregorio.

Nais tiyakin ng c­oaching staff na maganda ang kundisyon ng 7-foot-3 Pinoy cager dahil ayaw nitong mapuwersa ang bata dahil hindi biro ang 14-araw ng quarantine sa loob ng hotel.

Magsisimula na bukas ang qualifiers na tatakbo hanggang sa Hunyo 20.

Binibigyan ang isang team na makapagsumite ng final lineup isang araw bago ang laro.

Isang panalo na lang ang kailangan ng Pilipinas para awtomatikong umabante sa FIBA Asia Cup proper sa Agosto na gaganapin sa Jakarta, Indonesia.

FIBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with