_ngayon
^
Pinoy Olympic qualifiers pwede pang umabot sa 16
Sinabi ni Tokyo Olympics Chef De Mission Mariano ‘Nonong’ Araneta Jr. na mayroon pang 41 national athletes sa 13 sports ang naghahangad ng Olympic spot.
AFP/File

Pinoy Olympic qualifiers pwede pang umabot sa 16

Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - May 18, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Habang papalapit ang 2021 Olympic Games ay patuloy na umaasa ang mga sports officials na madaragdagan pa ang naunang walong qualifiers sa Tokyo, Japan.

Sinabi ni Tokyo Olympics Chef De Mission Mariano ‘Nonong’ Araneta  Jr. na mayroon pang 41 national athletes sa 13 sports ang naghahangad ng Olympic spot.

“We still have a good number of athletes who can make it to Tokyo through their respective qualifiers,” ani Araneta, pangulo rin ng Philippine Football Federation (PFF), sa quadrennial event na nakatakda sa Hul­yo 23 hanggang Agosto 8.

Ang walong nakapagbulsa na ng Olympic berth ay sina 2016 Rio de Janeiro Olympics silver medalist Hidilyn Diaz ng weightlifting, Cris Nievarez ng rowing, Ernest John Obiena ng pole vault, Carlos Edriel Yulo ng gymnastics at sina Eumir Felix Marcial, Irish Magno, Nesthy Petecio at Carlo Paalam ng boxing.

Kasama sina Diaz at taekwondo jin Kirstie Elaine Allora sa 13 national athletes na kumatawan sa bansa noong 2016 Rio de Janeiro Olympics sa Brazil.

Maliban kay Alora, pumupuntirya rin ng Olympic slot sina taekwondo jins Pauline Louise Lopez, Arven Alcantara at Kurt Barbosa.

Malaki naman ang tsansa ni 2018 Asian Games at 2019 Southeast Asian Games gold medalist Margielyn Didal ng skateboarding na makalaro sa Tokyo Olympics.

OLYMPIC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with