^
Malonzo, Rike pumirma na

Malonzo, Rike pumirma na

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - April 20, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pumirma na ng kon-trata sina rookies Jamie Malonzo at Troy Rike sa NorthPort Batang Pier isang buwan matapos ang PBA Annual Rookie Draft.

Binigyan ng maximum deal na 3-years ang 6-foot-7 na si Malonzo habang lumagda naman si Rike ng two-year deal sa kampo ng Batang Pier kahapon.

Inilabas ng Batang Pier ang announcement nito sa kanilang social media accounts kung saan kasama nina Malonzo at Rike ang ilang miyembro ng NorthPort management.

Ang dating De La Salle University standout na si Malonzo ang second overall pick habang 11th pick naman si Rike.

Maganda ang rekord ni Malonzo sa kanyang bukod-tanging season suot ang Green Archers jersey sa UAAP. Nagtala ito ng averages na 15.8 points, 9.9 rebounds, 1.6 assists at 1.1 steal para mapabilang sa Mythical Team ng UAAP.

Sa kabilang banda, galing si Rike sa National University at nahasa na ang abilidad nito sa pag-lalaro sa 3x3 tournaments kung saan ranked No. 6 ito sa bansa.

Naniniwala si Batang Pier head coach Pido Jarencio na malaki ang maitutulong nina Malonzo at Rike sa rotation ng kanilang tropa.

Makakasama nina Malonzo at Rike sa Batang Pier sina Robert Bolick, Sean Anthony at Greg Slaughter na nakuha ng tropa sa trade mula sa Barangay Ginebra.

Sa pagpasok ng mga bagong dagdag na players, umaasa si Jarencio na mas magiging maganda ang laban ng kanyang tropa sa PBA Season 46.

Matatandaang isang panalo lamang ang nakuha ng Batang Pier sa 11 laro noong Season 45 Philippine Cup na ginanap sa bubble sa Clark, Pampanga.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with