^
Bucks wagi sa pagbabalik ni Giannis

Bucks wagi sa pagbabalik ni Giannis

(Pilipino Star Ngayon) - April 17, 2021 - 12:00am

ATLANTA — Sa kanyang pagbabalik sa lineup ay nagtala si superstar Giannis Antetokounmpo ng 15 points, 5 rebounds, 3 steals, 2 assists at 1 block para sa 120-109 pagsuwag ng Milwaukee Bucks sa Hawks.

Hindi nakita si Antetokounmpo sa nakalipas na anim na laro ng Bucks (35-20) dahil sa kanyang sumasakit na kaliwang tuhod.

Hindi na siya kinailangang humataw nang husto para sa Milwaukee na nakahugot kay Jrue Holiday ng 23 points.

Nakadikit ang Hawks (30-26) sa 105-113 sa huling dalawang minuto ng fourth period ngunit nakaiskor ang Bucks sa kanilang mga posesyon kabilang ang put-back dunk ni center Brook Lopez para selyuhan ang kanilang panalo.

Pinamunuan ni Bogdan Bogdanovic ang Atlanta sa kanyang 28 points.

Sa Phoenix, humakot si big man Deandre Ayton ng 26 points at 11 rebounds at may 23 markers si guard Devin Booker para ihatid ang Suns (40-15) sa 122-114 pagtusta sa Sacramento Kings (22-34).

Ito ang ika-10 sunod na home win ng Phoenix na hindi pa natatalo sa kanilang homecourt ng halos isang buwan.

Sa Los Angeles, humugot si Jaylen Brown ng apat na puntos sa kanyang 40 points sa huling minuto para banderahan ang Boston Celtics (30-26) sa 121-113 paggupo sa nagdedepensang Lakers (34-22).

Ito ang pang-limang dikit na ratsada ng Celtics.

Sa Cleveland, kumamada si Stephen Curry ng 33 points para pamunuan ang Golden State Warriors (28-28) sa 119-101 paggiba sa Cavaliers (20-35).

Samantala, inihayag kahapon ni Brooklyn Nets center LaMarcus Aldridge sa kanyang Twitter account ang kanyang pagreretiro sa NBA matapos makaramdam ng irregular heartbeat sa pinakahuli niyang paglalaro para sa koponan.

“For 15 years I’ve put basketball first,” sabi ni Aldridge. “And now, it is time to put my health and family first.”

GIANNIS ANTETOKOUNMPO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with