^

E-Gilas sasalang ngayon sa FIBA Esports Open III

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - April 16, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — ­­­­­­­­­Puntirya ng E-Gilas Pilipinas na maibalik sa kanilang poder ang kampeonato sa Southeast Asian Conference sa paglarga ngayong araw ng FIBA Esports Open III.

Anim na koponan ang magbabakbakan sa edisyong ito na hahatiin sa dalawang grupo.

“Esports has proven to be another area where our Filipino athletes can be world-class. Our E-Gilas team will once again represent the country and we’ll do everything we can to support them,” ani Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) president Al Panlilio.

Pasok sa Group 1 ang Pilipinas, Vietnam at Maldives habang nasa Group 2 naman ang Indonesia, Sri Lanka at Mongolia.

Sasagupain ng E-Gilas ang Vietnam at Maldives ngayong araw.

Ang dalawang mangungunang koponan ang papasok sa crossover semifinals na gaganapin bukas (Abril 17) habang ang finals ay idaraos sa Linggo (Abril 18).

Hangad ng E-Gilas na mabawi ang korona matapos matalo sa Australia sa finals sa huling edisyon ng torneo.

Ipaparada ng Pilipinas sina Angelico Cruzin, Arnie Sison, Clark Banzon, Custer Galas, Ian Santiago, Philippe Herrero at Rial Polog Jr.

“I hope our Filipino basketball and Esports fans come out in support of our E-Gilas squad because they’ve been preparing hard for this tournament. Our team is eager to prove that we’re the best in the region and I’m sure they’ll make us proud,” dagdag ni Panlilio.

GILAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with