^

PSN Palaro

Diaz madadagdag sa Olympics bets

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Diaz madadagdag sa Olympics bets
Diaz
STAR/ File

MANILA, Philippines — Kahapon, eksaktong 100 araw na lamang bago ang Olympic Games na nakatakdang umarangkada sa Hunyo 23 sa Tokyo, Japan.

Sa pagpasok ng hu-ling isang daang araw bago ang opening ce-remony ng Tokyo Olympics, madaragdagan ang pambato ng Pilipinas sa ngalan ni Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz.

Nasa Tashkent, Uzbekistan na si Diaz para lumahok sa Asian Weightlifting Championship na magbibigay sa kanya ng awtomatikong tiket sa Olympics.

Hinihintay na lamang ni Diaz ang opisyal na kumpirmasyon mula sa International Weightlifting Federation upang pormal na makuha ang kanyang puwesto sa Tok-yo Games.

Inaasahang lalong la-lakas ang delegasyon ng Pilipinas na sasabak sa Tokyo.

Malaki ang pag-asa ng Pilipinas na tuluyan nang matuldukan ang pagkauhaw nito sa gintong medalya sa Olympics.

Ito ay dahil mga dekalidad na atleta ang kasalukuyang nasa listahan ng mga Pinoy Olympic qualifiers.

Pinaniniwalaang ito ang pinakamalakas na delegasyong ipadadala ng Pilipinas sa Olympics.

Maliban kay Diaz, nariyan si world champion Carlos Edriel Yulo ng gymnastics, Southeast Asian Games pole vault record holder Ernest John Obiena ng athletics at Pinoy boxers Eumir Felix Marcial, Nesthly Petecio, Carlo Paalam at Irish Magno.

Lahat ng pitong ito ay may tsansang makasikwat ng gintong medalya sa kani-kanyang dibisyon.

Kaya naman ito na ang hudyat para simulan na rin ang official countdown ng Pilipinas para sa nalalapit nitong pagsungkit sa inaasam na gintong medalya sa Olympic Games.

vuukle comment

OLYMPIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with