^
Dahilan ni Parks kuwestiyunable?
Nasa larawan si Bobby Ray Parks Jr. na tila masayang nagbabakasyon sa isang beach sa La Union.
Larawan mula sa Twitter post ni MVP

Dahilan ni Parks kuwestiyunable?

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - March 8, 2021 - 12:00am

MVP nagsalita na...

MANILA, Philippines — Kaliwa’t kanan ang katanungan sa idinahilan ni Talk ’N Text star forward Bobby Ray Parks Jr. sa pagliban nito sa PBA Season 46 na nakatakdang magsimula sa Abril.

Naglabas ng statement si Parks sa kanilang mga social media accounts kung saan nagdesisyong itong lumiban sa Season 46 ng liga upag pagtuunan ang “family problems.”

Gulat ang lahat sa na­ging desisyon ni Parks.

Ngunit ilang oras matapos ang post ni Parks, lumutang ang ilang larawan sa social media kung saan tila masaya itong nagsasanay ng surfing sa La Union.

Mismong si PLDT-Smart chairman Manny V. Pangilinan na ang nag­labas ng pahayag nang malaman nito ang naging aksyon ni Parks.

“I don’t see any mother being cared for, and as far as I know, La Union is nowhere near California. Judge for yourself,” ani Pangilinan sa kanyang post na may kasamang larawan.

Kaya naman iba’t ibang kuwento na ang naglabasan sa social media upang malaman ang tunay na dahilan ni Parks.

Wala pang bagong post si Parks patungkol sa mga naglabasang post at la­rawan.

BOBBY RAY PARKS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with