Valdez miss na ang volleyball

Alyssa Valdez
STAR/File

MANILA, Philippines — Miss na ni three-time UAAP MVP Alyssa Valdez ang magbalik-aksyon sa Premier Volleyball League (PVL).

Sa kanyang post sa social media, inilabas nito ang isang larawan kasama ang mensaheng “miss na kita.”

Nagbiruan pa ang da­ting katropa nitong sina Ella De Jesus sa Ateneo de Manila University at kasalukuyang teammate nitong si Michele Gumabao sa Creamine Cool Smashers.

Naging magkasama sina Valdez at De Jesus sa Lady Eagles sa ilalim ni Thai coach Tai Bundit na kilalang naglalatag ng matinding training.

Magkasama naman sina Valdez at Gumabao sa Cool Smashers na kasalukuyang hawak ni Bundit.

“Miss na raw niya mag 6 ball 3 sets,” ani De Jesus na patungkol sa matinding training na pinagdaanan nito kay Bundit.

Tinukoy pa ni Valdez ang mismong training workout na “lalo na ‘yung spike receive.”

Isang pabirong sagot ang ibinato ni Gumabao na “I don’t miss you” patungkol naman sa pahirapang training.

Tubong San Juan, Ba­tangas si Valdez. At malaki ang bahagi ng kanyang pinagmulan sa kanyang volleyball career.

Naghihintay na lamang ang PVL ng go signal bago simulan ang Open Confe­rence nito na target um­pisahan sa Abril sa isang bubble setup sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

Show comments