George pinaulanan ng tres ang Cavs

CLEVELAND — Hindi nakita si Paul George sa nakaraang unang dalawang road games ng Los Angeles Clippers.

Sa kanyang paglalaro ay nagsalpak si George ng 8-of-9 shooting sa three-point range at tumapos na may 36 points habang nagdagdag si Kawhi Leo­nard ng 24 markers para sa 121-99 panalo ng Clippers sa Cavaliers.

Kumonekta ang Clippers ng kabuuang 20 triples para itala ang 17-6 kartada at makaiwas na mahulog sa two-game losing skid.

Pinamunuan ni Collin Sexton ang Cavaliers (10-12) sa kanyang 27 points kasunod ang 23 markers ni Darius Garland.

Sa Milwaukee, humataw si Giannis Anteto­kounmpo ng triple-double sa kanyang 21 points, 14 rebounds at 10 assists para akayin ang Bucks (13-8) sa 130-110 paggiba sa Indiana Pacers (12-10).

Binanderahan ni Domantas Sabonis ang Pacers sa kanyang career-high  33 points, 12 rebounds at 6 assists.

Sa Charlotte, nagposte si Joel Embiid ng 34 points at 11 rebounds para ihatid ang Philadelphia 76ers (16-6) sa 118-111 tagumpay sa Hornets (10-12).

Nagdagdag si Tobias Harris ng 26 points  habang may 15 markers at 9 assists si Ben Simmons para sa ikaapat na sunod na pa­nanalasa ng 76ers.

Sa Miami, tumipa si Bradley Beal ng 32 points at bumangon ang Wa­shington Wizards (5-13) mula sa 13-point, second-half deficit para kunin ang 103-100 panalo sa Heat (7-14).

Sa Atlanta, nagsumite si Luka Doncic ng 27 points at 14 assists sa 122-116 panalo ng Mavericks (9-13) kontra sa Hawks (10-11).

Show comments