^

PBA players huwag i-bash — SBP

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - January 25, 2021 - 12:00am

Mga nag-pass sa Gilas call-up

MANILA, Philippines — Nanawagan ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa mga basketball fans na huwag kastiguhin ang mga PBA players na nagpasyang tanggihan ang Gilas Pilipinas call-up.

Nauna nang inihayag ng SBP na target nitong makuha ang 15 hanggang 18 PBA players sa Gilas Pilipinas pool para sa third window ng FIBA Asia Cup Qualifiers.

Subalit mula sa natu­rang wish list ng SBP, ta­nging anim na players lamang ang nagkumpirma ng partisipasyon sa training camp sa Inspire Sports Academy.

Ito ay sina Gilas Pilipinas team captain Kiefer Ravena at Raul Soyud ng NLEX, CJ Perez ng Terrafirma, Justin Chua ng Phoenix, at sina Troy Rosario at Roger Pogoy ng Talk ’N Text.

Iba’t iba ang naging dahilan ng ibang PBA players na nagdesisyong lumiban.

Ilan dito ay nagpapaga­ling sa injury na tinamo sa nakalipas na PBA Season 46 Philippine Cup habang personal na dahilan naman ang naging sagot ng iba.

Inirerespeto naman ng SBP ang desisyon ng mga tumanggi.

“All the reasons presented to us were pretty much acceptable. Some of them are stuck in the US, the others are nursing injuries, and the others have medical emergencies,” ani SBP special assistant to the president Ryan Gregorio sa programang Power and Play.

Ito ang pangunahing dahilan ng SBP kaya’t hindi nito inilabas ang listahan ng mga PBA players na nasa wish list.

Iniiwasan ng asosas­yon na ma-bash ang mga players na tatanggi.

Kaya naman humingi ang SBP ng pang-unawa sa publiko kasabay ng panawagang huwag nang i-bash ang mga players.

Mas maigi na lamang na bigyan ng pansin ang mga PBA players na tumugon sa panawagan at nagsakripisyo para maging bahagi ng Gilas Pilipinas pool.

GILAS PBA SBP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with