^
Cavs muling hiniya ang Nets
Sinabayan sa ere ni Nets center DeAndre Jordan si Cavs player Collin Sexton sa aksyong ito sa NBA.
STAR/ File

Cavs muling hiniya ang Nets

(Pilipino Star Ngayon) - January 24, 2021 - 12:00am

CLEVELAND  Sa ikalawang pagkakataon sa loob ng tatlong araw ay muling tinalo ng Cavaliers ang Brooklyn Nets.

Tumipa si Collin Sexton ng 25 points at 9 assists  habang humakot si Andre Drummond ng 19 points at 16 rebounds para igiya ang Cleveland sa 125-113 paggupo sa Brooklyn.

Nag-ambag si Jarrett Allen ng 19 points at nagsumite si Larry Nance Jr. ng 15 points at 10 rebounds para sa 8-7 record ng Cavaliers.

Naglaro ang Nets (9-8) na wala si superstar forward Kevin Durant na inoobserbahan ang surgery niya sa right Achilles tendon.

Kumamada si Kyrie Irving ng 38 points at nagtala si James Harden ng 19 points at 11 assists para sa Brooklyn, nagmula sa 135-147 double-overtime loss sa Cavaliers noong Miyerkules.

“I don’t want to overreact, but we need the guys to clean things up because we underperformed in two games,” sabi ni Nets coach Steve Nash.

Sa Philadelphia, humakot si star center Joel Embiid ng 38 points at 11 rebounds at nagtala si Tobias Harris ng 23 points para igiya ang 76ers (11-5) sa 122-110 panalo sa Boston Celtics (8-6).

Sa San Antonio, nag­l­atag si Luka Doncic ng 36 points, 11 assists at 9 rebounds para tulungan ang Dallas Mavericks (8-7) na kunin ang 122-117 tagumpay sa Spurs (8-8).

Sa Minneapolis, humataw si Trae Young ng season-high 43 points habang kumolekta si Clint Capela ng 13 points, 19 rebounds at 10 blocks para sa 116-98 pagdaig ng Atlanta Hawks (8-7) kontra sa Minnesota Timberwolves (3-11).

Si Capela ang naging ikatlong player sa Hawks history na nagposte ng 10 blocks sa isang laro matapos sina Dikembe Mutombo at Josh Smith.

Sa Florida, umiskor si Norman Powell ng 23 points at may 21 markers si OG Anunoby para sa 101-81 paggiba ng Toronto Raptors (6-9) kontra sa Miami Heat (6-8).

NETS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with