Embiid iginiya ang 76ers vs Celtics
‘Big 3’ ng Nets yuko sa Cavs
PHILADELPHIA — Ngayon pa lamang ay ikinukunsidera na si star center Joel Embiid para sa Season MVP award.
Humakot ang 7-foot-2 na si Embiid ng 42 points at 10 rebounds habang may 22 markers si Tobias Harris para pamunuan ang 76ers sa 117-109 paggupo sa Boston Celtics.
“If they double, we’ve got way too many shooters for me to be able to kick it out,” sabi ni Embiid na tumipa ng 12-of-19 fieldgoal shooting. “I can attack in a different style. It’s been working well.”
Nagdagdag si Ben Simmons ng 11 points, 8 rebounds at 8 assists para sa Philadelphia (10-5).
Pinamunuan ni Jaylen Brown ang Boston (8-5) sa kanyang 26 points.
Sa Cleveland, nagpasabog si Collin Sexton ng 42 points para tulungan ang Cavaliers (7-7) na ilusot ang 147-135 double-overtime win laban sa Brooklyn Nets (9-7).
Umiskor si Kevin Durant ng 38 points sa panig ng Nets habang may 37 at 21 markers sina Kyrie Irving at James Harden, ayon sa pagkakasunod.
Sa Florida, nagtala si Kendrick Nunn ng 28 points para sa 111-102 panalo ng Miami Heat (6-7) laban sa Toronto Raptors (5-9).
Kumolekta si Bam Adebayo ng 14 points, 13 rebounds at 7 assists para sa Heat at may 15 markers si Kelly Olynyk.
Sa Indianapolis, nagposte si Kristaps Porzingis ng mga season-high totals na 27 points at 12 rebounds para sa 124-111 tagumpay ng Dallas Mavericks (7-7) kontra sa Indiana Pacers (8-6).
Sa Minneapolis, nagsalpak si Cole Anthony ng triple sa final buzzer para itakas ng Orlando Magic (7-8) ang 97-96 panalo laban sa Minnesota Timberwolves (3-10).
Sa Atlanta, humataw si Trae Young ng 38 points habang may 31 markers si John Collins para ihatid ang Hawks (7-7) sa 123-115 overtime win kontra sa Detroit Pistons (3-11).
- Latest