Jose binigyan ng extension ng Bolts
MANILA, Philippines — Mananatili pa sa Meralco Bolts si Raymar Jose matapos makakuha ng contract extension kahapon para sa PBA Season 46 na aarangkada sa Abril.
Binigyan ng sariwang one-year deal si Jose ng Meralco management para makatuwang ng Bolts sa kampanya nito sa All-Filipino Conference.
Nauna nang nabigyan ng panibagong kontrata kasama sina Reynel Hugnatan, Noy Baclao at Jammer Jamito.
Lubos naman ang pasasalamat ni Jose sa pamunuan ng Bolts sa tiwalang ibinigay nito sa kanya,
Noong Philippine Cup na ginanap sa Clark, Pampanga, nakapagtala lamang ng averages na 2.4 points at 2.8 rebounds si Jose.
Nagkasundo naman sa three-man trade ang Rain or Shine at NorthPort.
Napunta sa Elasto Painters si slotman Bradwyn Guinto kapalit nina Batang Pier standouts Sidney Onwubere at Clint Dolinguez.
Naibigay na sa PBA office ang mga dokumento para maipormalisa ang palitan ng players.
Inaasahang makatutulong ng malaki sa Elasto Painters si Guinto kasama sina Beau Belga, Norbert Torres at Prince Rivero.
- Latest